National volleyball team sa SEA Games, pinangalanan na

Sports

Pinangalanan na ang mga kakatawan sa Philippine Volleyball Team para sa 2017 Southeast Asian Games.

Pangungunahan ito nina Alyssa Valdez at Mika Reyes na kilalang mahigpit na magkatunggali noong University Athletic Association of the Philippines (UAAP).

Kabilang din sa national team sina Jaja Santiago, Kim Fajardo, Rachel Ann Daquis, Aby Maraño at Dindin Manabat.

Beinte singkong atleta ang bubuo sa national volleyball team na sasailalim sa pagsasanay ni Coach Francis Vicente.

Kakatawanin ng koponan ang Pilipinas sa 2017 Southeast Asian Games na gaganapin sa Kuala Lumpur, Malaysia sa Agosto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *