PNP, nasa active defense mode kasunod ng pagbuhay sa peace talks

National News

Naka-active defense mode ang Philippine National Police (PNP) kasunod ng pagbuhay sa usaping pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at mga komunistang grupo.

Ayon kay PNP Spokesperson Senior Superintendent Dionardo Carlos, nakahanda pa rin ang PNP na protektahan ang mga komunidad, mahahalagang imprastraktura, public property at mga sibilyan sa anumang posibleng banta mula sa New People’s Army (NPA).

Patuloy rin aniyang ipatutupad ng PNP ang mga judicial process at order na inisyu ng korte laban sa mga rebelde.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *