Total mining ban, ipatutupad sa bansa

National News

Plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpatupad ng total mining ban o pagmimina sa bansa.

Pinagpapaliwanag din ni Duterte ang mining firms kung bakit nilapastangan ng mga ito ang kalikasan sa mining operations.

Sinabi ni Pangulong Duterte, hindi niya kailangan ng batas o executive order (EO) para pangalagaan ang kalikasan at titingin lamang siya sa kanyang oath of office kung paano ito isasagawa.

Ayon sa pangulo, hindi raw niya kailangan ang P70 bilyong taunang kita ng gobyerno sa mining operations kung masisira naman ang kalikasan.

Naniniwala rin si Pangulong Duterte na hindi nagsisinungaling si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Gina Lopez sa kanyang presentasyon kaugnay ng nasirang kalikasan mula sa iresponsableng pagmimina.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *