5 ‘kotong’ cops sa Maynila, sinibak sa puwesto

National News

Sinibak na sa puwesto ni Manila Police District (MPD) Director Chief Superintendent Joel Coronel ang limang pulis-Maynila na inirereklamo ng pangongotong ng mga vendor.

Ayon kay Coronel, matapos ang kanyang pakikipag-usap sa mga lider ng mga nagrereklamong vendor at maituro ang mga nangongotong na pulis ay agad niyang sinibak ang mga ito sa puwesto.

Binigyan din ni Coronel ang limang pulis ng beinte-kuwatro oras para makapag-report sa kanya.

Ipinangako niya na mananagot ang ‘kotong’ cops matapos ang kanilang imbestigasyon.

Kaninang umaga ay nagsagawa ng protesta ang mga vendor sa labas ng MPD Headquarters laban sa ‘kotong’ cops.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *