College professor natagpuang patay sa Marikina

Metro News

Natagpuang patay at may laslas sa leeg ang isang college professor sa kanyang bahay sa Barangay Concepcion Uno sa Marikina City.

Kinilala ang nasawi na si Dr. Alfredo Dimaano, dating vice president ng Pamantasan ng Lunsod ng Marikina at kasalukuyang nagtuturo sa ilang kolehiyo sa lunsod.

Palaisipan din sa mga imbestigador ang motibo sa pagpatay.

Nawawala umano ang laptop, cellphone at iba pang gamit ng biktima.

Bumisita naman ang ilang estudyante ng biktima sa bahay nito upang makiramay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *