Dela Rosa, sinigurong mababantayan ang mga pulis na kasali sa anti-drug operations

National News

Siniguro ni Philippine National Police (PNP) Director General Ronald Dela Rosa na nababantayan ang kanilang mga tauhang nakatalaga sa kampanya kontra-droga.

Sa House Committee Hearing sa “Oplan Double Barrel Reloaded” ng PNP, sinabi ni Dela Rosa na ginagawa nila ang lahat ng pamamaraan para linisin ang kanilang hanay.

Sinabi rin ng hepe na dumaan sa mahigpit at masusing pagpili ang mga pulis na kasama sa binuong PNP-Drug Enforcement Group (DEG).

Sa ngayon ay nasa limampu’t pitong pulis pa lamang ang kabilang sa PNP-DEG dahil ongoing pa umano ang background investigation sa higit na 400 pulis.

Dagdag pa ni Dela Rosa, may counter-intelligence task force na magmamanman at magbabantay sa mga pulis na masasangkot sa masamang gawain.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *