DFA, di-tiyak na mga Pilipino ang ISIS suspects na naaresto sa Malaysia

National News

Walang basehang mga Pilipino ang naiulat na kabilang sa pitong hinihinalang mga miyembro ng Islamic State in Iraq and Syria (ISIS).

Ito ang inihayag ni Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Charles Jose, kasunod ng ulat na limang Pilipino umano at dalawang Malaysian nationals ang naaresto ng mga awtoridad sa Sabah, Malaysia.

Ayon kay Jose, walang basehan o maipakitang mga pasaporte at anumang pagkakakilanlan para patunayang Pilipino ang mga naaresto.

Humingi na rin ng tulong ang Philippine Embassy sa Kuala Lumpur sa Royal Malaysian Police para tiyakin ang tunay na nationalities ng mga naturang ISIS suspects.

Matatandaang kinumpirma rin ng Malaysian authorities na ang mga naturang  Pinoy na nadakip ay may permanent resident status sa Malaysia.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *