Lamitan City isinailalim na sa state of calamity dahil sa pagbaha

Regional

Isinailalim na sa state of calamity ang Lamitan City, Basilan matapos makaranas ng malaking pagbaha ang buong siyudad nitong nakaraang mga araw.

Base sa tala ng City Disaster Risk Reduction Management Council (CDRRMC), umaabot sa tatlong libong pamilya ang apektado ng pagbaha dahil sa pagbuhos ng malakas na ulan.

Ayon sa CDRRMC, walo sa apatnapu’t limang barangay sa Lamitan ang grabeng nasalanta ng baha.

Kabilang sa mga ito ang Barangay Balobo, Limook, Sengal, Colonio, Kulaybato, Matibay, Malinis, Matatag, Maligaya, Maganda at Barangay Malakas.

Sa inisyal na ulat ng CDRRMC, nasa apatnapu’t pitong kabahayan ang totally damaged samantalang nasa animnapu’t tatlo naman ang partially damaged.

Wala namang napaulat na nasaktan o namatay sa nasabing kalamidad.

Umaabot naman sa halos sampung milyong piso ang halaga ng pinsala sa mga produktong agrikultura.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *