Law industry, pinakamataas magpasahod sa fresh graduates — JobStreet

National News

Nangunguna ang law/legal services industry sa pinakamataas na magpasahod sa fresh graduates.

Sa inilabas na 2017 fresh graduates report ng JobStreet Philippines, naitala ang P27,124 na average salary sa law industry.

Pumangalawa naman ang healthcare-related industry na may average salary na P23,216 samantalang pumapangatlo ang journalism industry na may P21,777 average salary.

Sunod naman ang IT-related industry at education industry.

Pinakamababa naman ang advertising o media planning na may average salary na P19,960.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *