P97 milyong halaga ng giant clams, nasabat ng NBI

Metro News

Nasabat ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tinatayang P97 milyong halaga ng giant clams at hinihinalang giant pearls sa entrapment operation sa Ermita, Maynila.

Hinarang ng Environmental Crime Division ng NBI ang dalawang sasakyan na lulan ang mga ibinebentang giant clams.

Iginiit naman ng isa sa sampung suspek na inutusan lamang sila ng isang “Len Quibral” na siya umanong may-ari ng mga taclobo.

Kinumpirma naman ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na tunay ang giant clams samantalang susuriin pa kung tunay ang nakuhang giant pearls.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Fisheries Code at posibleng makulong ng walong taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *