Pia Wurtzbach, nagbabala sa mga babaeng nagpapapansin sa nobyong si Marlon Stockinger

Showbiz

Nagpasaring si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa mga babaeng nagpapapansin sa boyfriend na si Marlon Stockinger.

Sa komento ni Pia sa Instagram post ng nobyo, sinabi nito na kanya lamang ang boyfriend sabay- banat sa mga babaeng nagpapadala ng mensahe kay Marlon.

Hindi naman pinangalanan pa ni Pia kung sino ang tinutukoy niyang mga babae.

Binura ni Pia ang nasabing komento pero mabilis itong na-screenshot ng kanyang followers.

Hindi naman ito ang unang pagkakataong idineklara ni Pia na sa kanya lamang ang nobyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *