House inquiry kaugnay ng Benham Rise, isinusulong ng isang mambabatas

National News

Isinusulong ni Muntinlupa Representative Ruffy Biazon na magkaroon ng House inquiry kaugnay ng ipinatutupad na istratehiya ng Pilipinas para sa seguridad sa Benham Rise.

Hinimok ni Biazon, na vice chair ng House Committee on Defense and Security, ang gobyerno na ang gumawa ng decisive measures para mapigilan ang China sa dahan-dahan nitong pagpasok sa Benham Rise.

Sinabi ng mambabatas na bagama’t hindi dapat magkaroon ng military confrontation sa China, hindi rin sapat ang ‘passive’ diplomacy sa nasabing isyu.

Aminado si Biazon na hindi kayang tapatan ng Pilipinas ang military power ng China.

Pero maaari naman aniyang magpatulong sa mga kaalyadong bansa ang Pilipinas gaya ng United States.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *