Mga na-bypass na Gabinete ng CA, muling itatalaga ni Duterte

National News

Muling itatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga na-bypass na Gabinete ng Commission on Appointments (CA).

Hindi inaprubahan ng CA ang appointment nina Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Gina Lopez, Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary Rafael Mariano, Department of Social Welfare and Development  (DSWD) Secretary Judy Taguiwalo at Department of Health (DOH) Secretary Paulyn Ubial.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, hindi natitinag ang tiwala at kumpiyansa ng pangulo sa mga na-bypass na Gabinete.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *