Paglalayag ng mga sasakyang pandagat sa Tubbataha Reefs Natural Park, bawal na

National News

Mahigpit nang ipinagbabawal ang pagpasok at pagdaan ng mga barko sa Tubbataha Reefs Natural Park sa Sulu Sea.

Ito ay matapos na maaprubahan ng International Maritime Organization Sub-Committee on Navigation, Communications and Search and Rescue ang panukala ng Pilipinas na ipagbawal ang pagpasok ng mga barko sa nasabing lugar.

Ayon kay Philippine Coast Guard Spokesman Commander Armand Balilo, idineklara bilang area to be avoided ang Tubbataha.

Sa pamamagitan aniya nito ay maiiwasan na ang pagsadsad ng mga barko sa Tubbataha Reef na kabilang sa United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) World Heritage Site.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *