‘Palit-ulo’ modus ng PNP, isiniwalat ni VP Leni Robredo

National News

Isiniwalat ni Vice President Leni Robredo ang umano’y pang-aabuso ng mga pulis sa ‘Oplan Tokhang’ sa warrantless arrest at ‘palit-ulo’ modus ng mga ito.

Ibinunyag ito ni Robredo sa kanyang recorded speech na ipinost sa YouTube ng anti-drug network DRCnet foundation.

Binanggit din ni Robrerdo ang umano’y modus na ‘palit-ulo,’ kung saan ang asawa o kaanak ng nasa drug list ang kinukuha kapag hindi natagpuan ang kanilang target.

Dahil aniya rito kaya nawalan na ng tiwala ang publiko sa pulisya.

Muli ring nanawagan si Robredo sa Duterte Administration na itigil na ang war on drugs at sa halip ay magpokus na lamang sa giyera kontra- kahirapan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *