DFA bineberipika ang ulat sa 8 Pilipinang naaresto sa Hong Kong dahil sa loan sharking

National News

Bineberipika pa ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang naiulat na kabilang ang walong Pilipina sa sampung naaresto ng Hong Kong pulis kaugnay ng pagpapautang kapalit ng ‘sangla passport’ o tinatawag na passport scheme.

Ayon kay DFA Assistant Sec. Charles Jose, base sa ulat ng Philippine Consulate sa Hong Kong, wala pang pagkakakilanlan sa mga umano’y naarestong mga Pinay.

Matatandaang lumalabas sa mga report na aabot sa apat na libo hangang labinlimang libong Hong Kong dollars ang mga pinauutang na may sampung porsiyento (10%) ang patong.

Kasama rin sa inaresto ang mag-asawang Chinese na sinasabing financer sa naturang scheme na ang target ay domestic helpers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *