Higit 300 katao, lumikas sa Agusan del Norte sa patuloy na bakbakan ng militar at NPA

Regional

Higit tatlundaang indibidwal ang lumikas sa Brgy. Hinimbangan, Kitcharao, Agusan del Norte dahil sa patuloy na bakbakan ng puwersa ng militar at mga rebeldeng New People’s Army (NPA).

Sa ulat na inilabas ng 29th Infantry Matatag Battalion ng 401st Infantry Brigade, tatlong beses umanong umatake ang mga rebeldeng NPA.

Pinakahuli rito ang pag-atake sa tropa ng militar na nagsasagawa ng bayanihan team activities sa barangay.

Dahil sa pangamba sa kanilang buhay, napuwersang lumikas na ang nasa 89 na pamilya o 357 indibidwal.

Muli naman umanong nilabag ng NPA ang Comprehensive Agreement on Respect to Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL), ang tanging dokumentong nilagdaan ng Government of the Philippines (GRP) at ng National Democratic Front (NDF) sa isinasagawang peace talks.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *