Palasyo, pinagsabihan ang EU

National News

Mariing pinabulaanan ng palasyo na hindi political persecution ang nangyayari ngayon kay Senadora Leila De Lima.

Ito ay matapos ang panawagan ng mga mambabatas ng European Parliament na bumalangkas ng resolusyon para sa agarang pagpapalaya kay Senadora Leila De Lima at pagkondena sa nangyayaring extrajudicial killings (EJKs) sa bansa.

Giit ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, hindi naiintindihan ng mga mambabatas ng EU kung bakit nakakulong ang senadora.

Sinabi ni Abella, nakakulong ngayon si De Lima dahil sa pagkakasangkot sa iligal na droga.

Maliban pa rito, pinayuhan din ng Malakanyang ang EU na irespeto ang panloob na usapin ng Pilipinas.

Sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag ang pangulo sa panibagong komento ng EU sa kampanya ng pamahalaan kontra-droga.

Matatandaang makailang beses na binanatan ng pangulo ang EU dahil sa panghihimasok nito sa usapin ng bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *