PNP-IAS ilalabas ang resolusyon sa ilang kasong kinasasangkutan ng mga pulis

National News

Nakatakdang ilabas ng Philippine National Police- Internal Affairs Service (PNP-IAS) ang resulta ng kanilang imbestigasyon sa mga kontrobersiyal na kasong kinasasangkutan ng ilang tauhan ng PNP.

Kabilang na rito ang kaso ng pagpatay kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa, pagpatay sa  Koreanong negosyanteng si Jee Ick Joo at pagkakasangkot ng ilang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) personnel sa kasong kidnapping sa Bulacan.

Ayon kay Inspector General Atty. Alfegar Triambulo, nakatakda nang papirmahan kay PNP Chief Ronald Dela Rosa ang resolution para sa kaso laban sa grupo nina SSupt. Marvin Marcos at ang kaso nina SPO3 Ricky Sta. Isabel.

Sa susunod na linggo inaasahang mailalabas ang opisyal na desisyon ng PNP ukol sa mga akusadong pulis, alinsunod na rin sa ibinigay na timeline ng Senado para desisyunan ang mga naturang kontrobersiyal na kaso na kabilang sa Senate inquiry.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *