VP Leni Robredo iniuugnay sa impeachment case laban sa pangulo

National News

Hindi iniaalis ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang posibilidad na may kinalaman si Vice President Leni Robredo sa impeachment case na inihain laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito aniya ay dahil nagmamadali si Robredo na palitan si Duterte bilang pangulo.

Wala pang komento ang kampo ni Robredo sa patutsada ni Alvarez.

Makailang ulit namang itinanggi ni Robredo na may balak siyang palitan ang pangulo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *