Bilang ng napatay sa ‘Oplan Double Barrel Reloaded’ umakyat na sa 34

National News

Umakyat na sa tatlumpu’t apat ang bilang ng napatay sa implementasyon ng “Oplan Double Barrel Reloaded” ng Philippine National Police (PNP).

Sa ulat ng PNP, as of 6:00 am ng Marso 19 ay 34 na drug suspects ang nasawi sa iba’t ibang police operations mula nang ilunsad ang double barrel reloaded noong Marso 6.

Nasa 81, 603 bahay naman ang nabisita sa “Oplan Tokhang” ng PNP.

Sumuko naman sa mga awtoridad ang 7,833 drug users at pushers samantalang 2,132 drug suspects naman ang naaresto sa mga operasyon.

Wala namang pulis na namatay sa kasagsagan ng anti-drug operations.

Magugunitang ipinangako ni PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa na hindi na gaanong magiging madugo ang double barrel reloaded kumpara sa nauna nang sinuspinding “Oplan Tokhang” ng PNP.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *