Norway nanguna sa pinakamasasayang bansa sa mundo

International News

Nanguna ang Norway sa listahan ng pinakamasasayang bansa sa mundo.

Sa World Happiness Report, kahit pa tumataas ang presyo ng petrolyo sa Norway ay nakuha nito ang unang puwesto.

Noong nakaraang taon ay nasa ikaapat na puwesto lamang ang Norway.

Pumangalawa naman ang dating happiest country na Denmark at sinundan ng Iceland, Switzerland at Finland.

Bahagya namang tumaas ang Pilipinas sa ika-72 puwesto mula sa ika-82 puwesto noong 2016.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *