1 patay, 8 sugatan sa ambush sa Sultan Kudarat

Regional

Patay ang isang sundalo samantalang walo ang sugatan matapos tambangan ng mga hinihinalang New People’s Army (NPA) sa Kalamansig, Sultan Kudarat.

Ayon kay Mayor Eugene Garcia, patungong Sitio Tinangdanan, Barangay Hinalaan ang mga miyembro ng 2nd Marine Company nang pagbabarilin ng mga rebelde.

Patuloy namang ginagamot sa ospital ang walong sugatan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *