DOJ naniniwalang nagkaroon ng sabwatan ang grupo ni Supt Marcos para patayin si dating Mayor Espinosa

National News

Naniniwala ang Department of Justice (DOJ) na nagsabwatan ang grupo nina Supt. Marvin Marcos, dating hepe ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) Region 8 para patayin si dating Albuerra, Leyte Mayor Rolando Espinosa at isa pang inmate na si Raul Yap.

Ayon sa DOJ, premeditated umano ang naging hakbang ng grupo ni Marcos sa pagpatay sa mga biktima.

Ito ay base na rin umano sa testimonya ng mga testigo ng National Bureau of Investigation (NBI) na mga bilanggo ng Leyte Sub-Provincial Jail.

Kumbinsido ang DOJ na si Marcos ang tumayong tagapangasiwa ng pangkalahatang operasyon para patayin ang dalawang inmates.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *