Moratorium sa impeachment complaints inirekomenda sa Kamara

National News

Inirekomenda ni Ako Bicol Party-list Representative Rodel Batocabe na magtakda ang Kamara ng moratorium sa impeachment complaints.

Ito ang pahayag ni Batocabe matapos na maghain ng impeachment complaint si Magdalo Representative Gary Alejano laban kay Pangulong Rodrigo Duterte at ang pagpapahayag ni House Speaker Pantaleon Alvarez sa paghahain din ng kaparehas na reklamo laban kay Vice President Leni Robredo.

Sinabi ni Batocabe na marami pang mga usapin ang higit na kailangang pagtuunan ng pansin ng Kamara.

Halimbawa na lamang aniya rito ay ang ‘contentious’ at ‘divisive’ na charter change.

Dahil dito, binigyang-diin ni Batocabe ang kahalagahan ngayon ng pagtatakda ng moratorium sa impeachments sapagkat ‘gulo’ lamang aniya ang maidudulot nito.

Giit pa ni Batocabe, hindi dapat pag-eksperimentuhan ang impeachment dahil mabigat ang implikasyon nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *