Oil price rollback ipatutupad ng mga kumpanya ng langis bukas

National News

Nagsimula nang ipatupad ang oil price rollback sa ilang produktong petrolyo ng mga kumpanya ng langis.

Bumaba ng otsenta sentimos ang presyo sa kada-litro ng gasolina samantalang uno diyes naman sa kada-litro ng diesel at uno beinte naman ang ikinaltas sa bawat litro ng kerosene.

Una nang nagpatupad ng bawas-presyo ang Eastern Petroleum at Flying V kaninang alas-dose uno ng hatinggabi.

Susunod namang magpapatupad ng oil price rollback ang Petron, PTT at Shell ngayong alas-sais ng umaga.

Ayon sa Department of Energy (DOE), malaki pa sana ang ipatutupad na oil price rollback kung hindi ito naapektuhan ng operating expenses ng oil companies.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *