1 milyong Pinoy, tumigil sa paninigarilyo sa loob ng anim na taon — DOH

National News

Umabot na umano sa isang milyong Pilipino ang tumigil sa paninigarilyo sa nakalipas na anim na taon.

Sinabi ni Department of Health Secretary Paulyn Jean Ubial na bunga ito ng taxation measures na ipinatupad ng pamahalaan simula noong 2012.

Magugunitang taong 2012 nang naging batas ang Sin Tax Reform Law o ang Republic Act 10351.

Ayon kay Ubial, ang naturang bilang ay maituturing nilang ‘biggest decline’ na kanilang nakita sa Pilipinas.

Malaking tulong naman aniya ang graphic health warnings, local ordinances at mga health advocate group sa pagbaba ng bilang ng mga naninigarilyio sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *