Alejano binuweltahan si Duterte na pangunahan ang giyera sa China sa WPS

National News

Binuweltahan ni Magdalo Representative Gary Alejano si Pangulong Rodrigo Duterte matapos siyang hamunin nito na pangunahan ang delegasyon sa Spratly Islands.

Kinantiyawan ng kongresista ang naging pahayag ni Duterte noong panahon ng kampanya, kung saan ay sinabi nitong tutungo ito sa West Philippine Sea (WPS) sakay ng jet ski para maglagay raw roon ng bandila ng Pilipinas.

Sinabi ni Alejano na mainam na ipahiram na lamang muna sa kanya ng pangulo ang jet ski nito dahil baka raw kinakalawang na ito sapagkat hindi naman nagagamit.

Matatandaang binatikos ni Pangulong Duterte si Alejano sa talumpati nito sa harap ng Filipino community sa Myanmar makaraang naghain ng impeachment complaint ang kongresista laban sa kanya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *