COC di-tiyak na makapipigil sa reclamation activity ng China sa WPS

National News

Aminado ang pamahalaan na hindi pa tiyak kung may epekto ang binubuong code of conduct (COC) sa pag-angkin ng China at pagtatayo ng istraktura sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Acting Secretary Enrique Manalo, mahirap pang sabihin kung mapipigilan nito ang China sa reclamation activities nito dahil dumadaan pa ito sa maingat na negosasyon.

Mahalagang mailatag ang key elements sa COC na makatutulong upang maibsan ang tensiyon at maisulong ang kooperasyon.

Makatutulong din ang ASEAN-China COC para maiwasan ang komprontasyon sa pinag-aagawang teritoryo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *