EJKs report ni Robredo at media, dapat bawasan — Teo

National News

Umapela si Department of Tourism (DOT) Secretary Wanda Teo kay Vice President Leni Robredo at mga miyembro ng media para ‘i-tone down’ o bawasan ang pag-uulat sa extrajudicial killings (EJKs).

Paliwanag ni Teo, sa mga pahayag kasi na sumesentro sa EJKs ay nahihirapan ang DOT na i-promote ang bansa.

Sa tuwing nagpupunta umano siya sa ibang bansa sa Asya at Europa ay lagi siyang tinatanong kung totoo ang mga patayang nagaganap sa bansa.

Sinasagot naman umano niya ito na ligtas ang Pilipinas at hinihimok ang mga ito na pumunta sa bansa.

Gayunman, sinabi ni Teo na tumaas naman ang mga turistang nagtutungo sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *