Pagawaan ng ataul sa QC, nasunog

Metro News

Nasunog ang isang commercial building sa Tandang Sora Extension, Barangay Sangandaan sa Quezon City.

Napag-alamang pagawaan ng isang ataul ang tinupok ng apoy na pagmamay-ari ng Everest Casket Manufacturing.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang apoy sa paint area ng pabrika.

Wala namang napaulat na nasawi o nasugatan sa insidente matapos mabilis na nakalabas ng gusali ang mga empleyado.

Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *