Pagmamay-ari sa Scarborough Shoal di-dapat pagduduhan ng mga opisyal ng gobyerno

National News

Hindi dapat pagdudahan ng mga opisyal na gobyerno kung aling bansa ang nagmamay-ari sa Scarborough o Panatag Shoal.

Ayon sa Maritime Law expert na si Attorney Jay Batongbacal, hindi dapat ganito ang maging posisyon ng gobyerno ng Pilipinas sa nasabing teritoryo.

Giit ni Batongbacal, nasa batas at mga dokumento na hindi lamang entitlement kundi may ‘absolute sovereignty’ ang Pilipinas sa Scarborough Shoal.

Tiniyak naman ng palasyo na hindi isinusuko ng Pilipinas ang territorial rights ng Pilipinas sa Scarborough.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *