Suplay ng tubig sa Metro Manila ngayong tag-init sapat

Metro News

Sapat ang suplay ng tubig sa Metro Manila ngayong tag-init.

Ayon kay Manila Water head for Corporate Communications Nestor Sevilla, Jr., normal ang lebel ng tubig sa Angat Dam na nasa 204 meters.

Mataas ito ng anim na metro kung ikukumpara noong nakaraang taon.

Sinabi ni Sevilla na posibleng mabago pa ito kung hahaba ang tag-init at tatagal ang pagpasok ng tag-ulan.

Ang Angat Dam ay ang pinagkukunan ng suplay ng tubig ng 95 porsiyento ng Metro Manila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *