Trillanes siguradong mapatatalsik si Duterte sa inihaing impeachment complaint laban sa pangulo

National News

Nakasisiguro umano si Senador Antonio Trillanes IV na mapatatalsik si Pangulong Rodrigo Duterte sa puwesto kapag nakaabot sa Senado ang impeachment complaint na inihain laban dito.

Ayon kay Trillanes, mahihirapan ang mga senador na magdesisyon base sa ‘political loyalty’ kapag nakitaan at nasa harap na ng taumbayan ang mga ebidensiya laban kay Duterte.

Minaliit din ni Trillanes ang bilang ng kaalyado ng pangulo sa Senado dahil iilan lang aniya ang Duterte die-hard supporters na senador.

Kung tutuusin din, ani Trillanes ay last year pa dapat sinampahan si Duterte ng impeachment complaint dahil sa extrajudicial killings (EJKs).

Bilang komento, sinabi naman ni Senate President Koko Pimentel na huwag pangunahan ang mga bagay na hindi pa nangyayari.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *