Alaska nilampaso ang Blackwater Elite sa nagpapatuloy na PBA Commissioner’s Cup

Sports

Nasungkit ng Alaska Aces ang ikalawang sunod na panalo sa Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner’s Cup matapos ilampaso ang Blackwater Elite sa iskor na 109-95.

Nagpasiklab ulit ng kanyang double-double performance si Cory Jefferson na kumamada ng 28 puntos at 15 rebounds.

Umabot sa 21 puntos ang kalamangan ng Aces sa third quarter bago mapababa sa pito ng Elite pagpasok ng huling quarter.

Nakatulong din sa panalo ng Aces ang pagkaka-foul out ni Elite import Greg Smith pitong minuto bago matapos ang game.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *