COMELEC ‘wait and see’ sa hirit na i-appoint ang barangay officials

National News

Naghihintay pa ang Commission on Elections (COMELEC) sa magiging aksiyon ng Duterte Administrasyon sa nakaambang panibagong postponement sa barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections.

Ayon kay COMELEC Chairman Andres Bautista, susunod sila sa magiging direktiba ng Malacañang at Kongreso sa pagpapatupad o pagpapaliban ng halalan.

Kung nais aniya ni Duterte na i-postpone ang barangay at SK elections ay dapat bumuo ng batas ang Kongreso.

Pero sa ngayon ay tuluy-tuloy pa rin ang paghahanda ng COMELEC sa October 23 elections habang wala pang pinal na direktiba.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *