Klase sa MaSci suspendido dahil sa mercury leak

Metro News

Suspendido ang klase sa Manila Science High School (MaSci) sa Taft Avenue simula ngayong araw dahil sa pagkakatapon ng nakalalasong kemikal na mercury.

Sa abiso ng paaralan, nais nilang maiwasan ng mga estudyante ang panganib kaya’t maglalabas na lamang sila ng panibagong mensahe kung kailan babalik ang klase.

Nabatid na isa sa mga guro ang kasalukuyang nasa Philippine General Hospital (PGH) dahil sa mataas na lebel ng kemikal sa katawan nito samantalang lima pa ang ginagamot dahil sa mercury exposure.

Isang pribadong grupo na kinontrata ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang inatasang maglinis ng mercury spill.

Bumuo na rin ng isang inter-agency task force matapos ang insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *