Mga mambabatas hinimok na magpokus sa trabaho kaysa sa sayangin ang oras sa impeachment kina Duterte, Robredo

National News

Hinikayat ni Kabayan Party-list Representative Harry Roque ang mga kapwa mambabatas na magpokus na lamang sa kanilang mga tungkulin kaysa sa pagkaabalahan pa ang impeachment complaints laban sa pangulo at pangalawang pangulo.

Ayon kay Roque, hindi pa man nag-iisang taon matapos ang eleksiyon ay pinag-uusapan na agad ang pagpapatalsik sa puwesto ng mga pinuno ng bansa.

Mauubos din umano ang panahon ng mga kongresista sa impeachment sa halip na magampanan ang trabaho sa lehislatura.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *