Mga Pinoy sa London pinag-iingat kasunod ng terror attack

National News

Pinag-iingat ng Embahada ng Pilipinas sa United Kingdom (UK) ang mga Pinoy sa London.

Kasunod ito ng terror attack na malapit sa House of Parliament.

Apat na ang napaulat na nasawi sa pag-araro ng isang sasakyan sa Westminster Bridge di-kalayuan sa British Parliament na sinundan ng pananaksak naman ng isang hindi pa nakikilalang lalaki.

Isinailalim na sa lockdown ang parliament samantalang iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *