Barangay elections, dapat ipagpaliban hanggang 2019 — Brillantes

National News

Kongreso ang dapat himukin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa hirit nitong ipagpaliban ang barangay elections ngayong taon.

Ito ang ipinunto ni dating Commission on Elections (COMELEC) Chairman Sixto Brillantes.

Sa panayam ng DZAR Sonshine Radio, sinabi ni Brillantes na kung siya ang tatanungin ay dapat na ipagliban din ang barangay elections hanggang sa 2019 mid-term elections.

Panukala ni Brillantes, kung ipagpapaliban ang eleksiyon sa 2019 ay idiretso na ito hanggang Oktubre 2022.

Pabor naman si brillantes na ibigay muna kay Duterte ang kapangyarihang magtalaga ng barangay officials alinsunod na rin sa bubuuing batas ng Kongreso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *