Disbarment complaint handang harapin ni Morales

National News

Wine-welcome ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales ang pagsasampa sa kanya ng disbarment complaint ni dating Manila Councilor Greco Belgica.

Sa isang statement, sinabi ni Morales na aalamin pa niya ang grounds o batayan ng reklamo.

Pero aniya, handa naman siyang harapin ang anumang klase ng reklamo kahit saan at kahit anong oras.

Isang ‘wish them luck’ din ang sinabi ni Morales sa mga kritiko.

May kalayaan naman aniya ang lahat na maghain ng reklamo at bahagi na rin ng kanyang trabaho ang makasuhan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *