Duterte nirerespeto ang LGBT pero ‘no way’ pa rin sa same sex marriage

National News

Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala siyang sama ng loob sa LGBT community.

Sa kabila nito, nagmatigas pa rin ang pangulo na hindi niya papayagan ang same-sex marriage sa bansa.

Sinabi ni Duterte na nirerespeto pa rin niya ang pag-iibigan ng magkaparehong kasarian pero pinaninindigan pa rin niya ang family code na ipinatutupad sa bansa.

Aniya, na kapag pinayagan niya ang same-sex marriage sa bansa ay parang nilabag na niya ang batas.

Kung maaalaala, kabilang sa mga pangako ng pangulo noong panahon ng kampanya ang pagsasaligal ng same-sex marriage sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *