Duterte tiniyak na hindi magtatayo ng anumang istraktura ang China sa Panatag Shoal

National News

Tiniyak ng China na hindi sila magtatayo ng anumang istraktura sa Panatag Shoal.

Ito ang kinumpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte at sinabing nagpaliwanag na ang Chinese authorities kaugnay ng mga napabalitang pagtatayo ng monitoring station sa Scarborough at iba pang isla sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon sa pangulo, sinabihan na siya ng Chinese officials na hindi sila magtatayo ng istraktura sa Panatag Shoal bilang respeto sa pagkakaibigan ng China at Pilipinas.

Kumbinsido naman ang pangulo na may ‘word of honor’ ang China at tutuparin ang pangako sa kanya.

Una nang pinabulaanan ng Beijing ang napababalitang pagtatayo nito ng monitoring station sa Scarborough.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *