LP, di pupunuan ang mga nabakanteng posisyon sa Kamara

National News

Walang plano ang Liberal Party (LP) na punuan ang mga nabakanteng posisyon ng House leaders sa Kamara.

Ito ay matapos bawian ng puwesto ng liderato ng Kamara ang LP congressmen na tumutol sa Death Penalty Bill.

Sinabi ni House Deputy Speaker Miro Quimbo na kailangan nilang protektahan ang mga miyembro ng kanilang partido na bumotong di-pabor sa kontrobersiyal na panukala.

Giit ng kongresista, hindi nila maaaring punuan ang mga nabakanteng posisyon sapagkat mistulang parusa lamang daw ang labas niyon.

Ayon kay Quimbo, dapat lamang nilang panindigan ang kanilang mga prinsipyo.

Aniya, nasa mayorya na ang desisyon kung sino ang itatalaga nila sa mga nabakanteng posisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *