Pagpapalutang sa Martial Law scare tactic umano ng pangulo

National News

Scare tactic.

Ganito inilarawan ni dating Commission on Human Rights (CHR) Chair Etta Rosales ang makailang ulit na pagpapalutang ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Martial Law.

Pero ayon kay Rosales, hindi dapat balewalain ang mga pahayag ni Duterte tungkol sa pagpapataw ng Martial Law.

Binatikos din ni Rosales ang aniya’y makitid na konsepto ng pangulo sa paglutas sa mga problema ng bansa.

Aniya, ang tanging alam lang ng pangulo ay gumamit ng dahas.

Pinayuhan naman ng dating CHR chair si Duterte na kumonsulta sa mga dalubhasa sa pamahalaan at pribadong sektor para makatuwang nito sa pagresolba sa mga problema ng bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *