Postponement ng barangay elections suportado ni Alvarez

National News

Suportado ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang hirit ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpaliban ang barangay elections.

Ani Alvarez, napaka-valid ng rason ni Duterte na talamak na ang droga sa barangay level kaya’t dapat ipagpaliban ang eleksiyon.

Dagdag pa ni Alvarez, mayorya ng mga opisyal ng barangay ay sangkot sa droga.

Matatandaang sinabi ni Duterte na gusto niyang i-appoint na lamang ang mga opisyal ng barangay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *