3 pulis inaresto matapos iligal na magpaputok ng baril sa QC

Metro News

Arestado ang tatlong pulis sa Quezon City dahil sa iligal na pagpapaputok ng baril nitong Sabado.

Kinilala ang mga pulis na sina SPO4 Benie Felipe, PO3 Joselito Felipe at PO1 Christian Felipe na nakatalaga sa Galas Police Station.

Idinetine ang tatlo sa Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) samantalang inihahanda ang posibleng kasong isasampa sa kanila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *