6 na estudyante pinangangambahang nasawi sa avalanche

International News

Anim na estudyante sa Japan ang pinangangambahang nasawi matapos matabunan ng avalanche samantalang nagma-mountain climbing.

Nangyari ang avalanche sa isang bundok sa Tochigi Prefecture, Hilaga ng Tokyo, Japan.

Natagpuan ang nasabing mga estudyante na wala nang vital signs.

Nasa limampung estudyante mula sa pitong high schools ang nasa isang mountaineering trip nang mangyari ang insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *