CPP magdedeklara ng unilateral ceasefire bago mag-Marso 31

National News

Inanunsiyo ng Communist Party of the Philippines (CPP) na nakahanda silang magdeklara ng unilateral ceasefire bago sumapit ang Marso 31 at bago ang muling pagbubukas ng peace talks.

Sa isang pahayag, sinabi ng CPP na inaasahan nilang magdedeklara rin ng kaparehang ceasefire ang gobyerno bilang pagtalima sa napagkasunduan sa backchannel talks.

Hinimok din ng rebeldeng komunista ang Administrasyong Duterte na itigil ang isinasagawang military operations at aerial bombing sa mga kanayunan.

Papasok na sa fourth round of talks ang negosasyong pangkapayapaan sa pagitan ng CPP at ng gobyerno sa susunod na buwan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *