Daan-daang residente sa Davao City lumikas dahil sa bakbakan ng NPA at militar

Regional

Daan-daang residente ng Barangay Suawan sa Marilog District sa Davao City ang lumikas sa kanilang mga tirahan matapos sumiklab ang bakbakan sa pagitan ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) at militar nitong Sabado.

Pansamantalang tumuloy ang mga residente sa covered court ng barangay.

Ayon kay Barangay Chief Loreto Amoy, 870 kabahayan mula sa limang sitio ang apektado ng bakbakan.

Isang rebelde naman ang kumpirmado umanong nasawi sa engkuwentro.

Namahagi na ang lokal na pamahalaan ng Davao City ng mga pagkain sa mga lumikas na residente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *